Maikling Kwento: Ang Tunay na Pagkakaibigan

This short story was written by my friend and she asked me to post it here. So please read it too! She really worked hard on it.

Ang Tunay na Pagkakaibigan

“Ding, Dong!”, ang tunog ng bell ng isang di kilalang eskwelahan. Ito ay hudyat na magsisimula na ang klase sa loob ng limang minuto. Tumatakbo nang matulin si Ichiro Arima papunta sa kanilang silid-aralin. Ang lalaking ito ay sinasabing isa sa mga studyanteng ipinagmamalaki ng eskwelahan dahil sa kanyang katalinuhan. Ngunit kakaunti lamang ang lumalapit sa kanya sapagkat siya ay may salamin na hindi bagay sa kanyang mukha, at magulong buhok sa tuwing siya ay papasok sa eskwelahan. Pinandidirihan siya ng iba dahil sa kanyang itsura. At dahil dito, binansagan na siyang “nerdo wirdo” ng mga studyante. Ngunit hindi alam ng karamihan, siya ay mabait, at mabuting kalooban…

Pagdating ni Ichiro sa kanilang silid-aralin, nagtatawag na ng mga pangalan ang kanilang punong guro. “Ichiro, late ka na naman. Nagiging madalas na ata ito, ah.”

“Pasensiya na po kayo ginoong Jose, may iniabot lang po sa taga-kabilang seksyon na studyante.”

“Sige, maupo ka na.”

At naupo na si Ichiro sa kanyang upuan. Nagsimula na ang kanilang klase. Ang laging tinatawag ng kanilang guro ay si Ichiro. Siya na ang laging tinatawag sapagkat kakaunti lamang ang gustong sumagot. Ngunit dahil dito, nagagalit sa kanya ang mga kaklase niya sapagkat sinasabi nilang “sipsip” sa guro si Ichiro. At dahil rin dito, lagi siyang hinahagisan ng kung anu-ano si Ichiro para siya ay asarin. Ngunit hindi na lamang niya ito pinapansin.

“Ding, dong!” ang tunog na naman ng kanilang eskwelahan. Hudyat na oras na ng tanghalian. Dahil si Ichiro ay isang mayamang estudyante, siya ay laging may dalang pagkaing masasarap para sa kanyang tanghalian. Ngunit, “ibigay mo na sa amin ang iyong baon, Ichiro.”, ang sabi ng isang estudyante sa likod niya.

Pagharap ni Ichiro sa kanya, nakilala niya agad kung sino ito. Siya si Leone. Ang ikalawang lider ng isang grupo sa kanilang eskwelahan na nang”bubully” sa kanya. “Eto na, Leone.”

“Yan, mabuti naman at hindi ka lumalaban sa amin, at kung lumaban ka man, patay ka..” at biglang tumawa ng kaunti pagkatapos magsalita. Pagkabigay niya ay umalis na si Ichiro sa harap nila. Pumunta na lamang siya sa rooftop para kainin ang kanyang itinagong pagkain para sa kanyang sarili. Madalas siyang pumupunta rito para kumain sapagkat tahimik dito.

Pagkatapos ng tanghalian, nagsibalikan na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga silid-aralin. Ngunit ang iba naman ay hindi na pumapasok. Naglilibot na lamang sa eskwelahan o kaya naman ay umaalis nang tuluyan sa eskwelahan. Halos lahat ng estudyante sa ganitong oras ay inaantok kaya naman hindi muna masyadong nagturo ang kanilang guro. “Alam kong inaantok kayo ngayon. Kaya naman hindi muna ako masyadong magtuturo ngayon. Gusto ka lang muna sabihin na magkakaroon ng bagong estudyante. Sa pagkaka-alam ko ay bukas siya magsisimulang pumasok. At dito siya sa klase natin papasok. Kaya magpakatino kayo simula bukas.”

Nang sinabi ito ng kanilang guro ay biglang nagkaroon ng ingay sa klase. “ginoo, babae ba siya o lalaki?” “Sa pagkaka-alam ko ay isa siyang babae.”

“Saan pong lugar siya galing? Mayaman po ba siya? Maganda? Matalino?”

“Tama na ang mga tanong na iyan! Bukas na lamang kayo magtanong ng mga ganyan sa kanya pagdating niya bukas. Tapos na muna sa ngayon ang ating klase. Makaka-alis na kayo.” At nagsi-alisan na nga ang mga studyante.

Nang pauwi na si Ichiro, hinarang siya ng grupo ni Leone. “Ichiro, saan ka pupunta? Kami, pupunta kami sa mall para magsaya.”

“Ano na naman ang gusto mo?”

“Gusto ko lang naman na bigyan mo kami ng pera, alam ko namang marami kang pera, eh.”

Hindi na nakapalag si Ichiro at namalayan na lamang niya na nasa kamay ni Leone ang kanyang pitaka. Kinuha ni Leone ang kanyang pera at inihagis sa kanya ang pitaka nang wala nang laman at umalis. Hindi na niyang tinangkang lumaban pa at umalis na lamang din papunta sa kanyang bahay. Ngunit hindi nila napansing may nakakita sa kanila habang nag-uusap…

Kinabukasan, maagang pumasok si Ichiro at hindi siya nahuli sa klase. Habang naghihintay ng pagsisimula ay siya ay nagbabasa ng isang libro. Habang nagbabasa ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok na si Ginoong Jose. “Mga estudyante, kagaya ng sinabi ko sa inyo kahapon, may bagong estudyanteng papasok ngayon.” at nagsibulungan ang mga estudyante. “Pumasok ka na, Joan.”

At pumasok nga ang isang bagong estudyante. Nagsitinginan naman ang mga estudyante sa kanya. “Hello po sa inyong lahat, ako po si Joanna Marie Perez. Ngunit pwede niyo akong tawagin sa aking palayaw na Joan.”

Pakilala niya sa sarili na may ngiti sa kanyang mga labi. Hindi siya ganoong maganda ngunit kung titingnan mong mabuti ay “cute” siya. “Hhhhmmm.. saan ka kaya maaring umupo? Aha! May bakanteng upuan sa likod ni Ichiro. Doon ka na lamang umupo sa likod ni Ichiro.” Tiningnan niya muna ito nang saglit at dumiretso na sa kinalalagyan ng upuan. Nang papalapit na siya kay Ichiro ay napatingin siya nang saglit kay Ichiro. Napansin ito ni Ichiro at napatingin din si Ichiro sa kanya nang may pagtataka. Ngunit nabaling ulit ang tingin ni Ichiro sa kanyang libro nang naglakad na muli si Joan papunta sa bakanteng upuan sa likod ni Ichiro.

Nagsimula na ang klase. At habang nagkalase ay napasin ng lahat pati ang kanilang guro na mukhang magiging kakumpitensiya ni Ichiro si Joan sa akademiko. Madalas din kasing nagtataas ng kamay si Joan para sumagot. Hindi naman ito pinapansin ni Ichiro at tuloy pa rin siya sa pagtataas ng kamay. Nang dumating na ang oras ng tanghalian, hiningi muli nila Leone ang baon ni Ichiro. Agad namang ibinigay ni Ichiro ang kanyang baon.

Ngunit, “patingin nga ng bag mo. Mukhang may tinatago ka pang pagkain dyan, eh.” At may nakita nga siyang pagkain. “Sabi ko na nga ba. May tinatago ka pang pagkain!” Agad naman niya itong kinuha at iniwan nilang walang pagkain si Ichiro. Wala na namang ginawa si Ichiro para pigilan sila. Ang pangyayaring ito ay nakita ni Joan.

Nang dumating si Ichiro sa rooftop, nakita niya si Joan na kumakain. “Bakit ka nandito?”, ang tanong ni Ichiro kay Joan.

“Napansin ko kasing masarap manatili at kumain dito sapagkat tahimik at mahingin dito.”, ang sagot naman ni Joan. Aalis na sana si Ichiro para bumaba nang bigla siyang hinagisan ni Joan ng pagkaing nakabalot. “Kainin mo yan. Masarap yan.” Wala namang nagawa si Ichiro at dinala na lamang niya ito sa pagbaba at kinain sa kanilang silid-aralin.

Nang matapos ang klase, nagsi-uwian na ang iba. Ang ibang mga estudyante naman ay nagpapa-iwan dahil sila ay may training pa. Habang si Ichiro ay pauwi na, hinarang muli siya ng grupo ni Leone at humingi ng pera. Nang i-aabot na sana ni Ichiro ang kanyang pera kay Leone ay dumating si Joan, “Anong ginagawa mo, Ichiro?”, ang tanong ni Joan.

“At sino ka naman? Ah, alam ko na. Totoo pa lang may bagong estudyante sa klase niyo, Ichiro.”

“Wag mong ibigay ang pera mo sa kanila, Ichiro.”

“Pagbibigyan kita ngayon, Ichiro. Pagbibigyan ko kayong dalawa sa ngyon. Ngunit kung dumating ka pang muli, malalagot ka na sa amin.”, ang pagbabanta ni Leone sa kanilang dalawa at umalis na siya. “Bakit ka ba nakiki-alam, Joan?! Hindi mo alam kung anong kaya nilang gawin!” “Gusto lang kitang tulungan…”, hindi na niya natuloy pa ang gusto niyang sabihin sapagkat tumakbo na si Ichiro pauwi.

Madalas itong nangyayari kay Ichiro. Lagi siyang hinaharang ng grupo nila Leone at hihingi sa kanya ng kung anu-ano. Ngunit nang dumating si Joan sa kanilang eskwelahan, laging dumarating si Joan sa mga ganyang sitwasyon at makikigulo sa kanila. Pinipigilan ni Joan ang pang”bubully” nila kay Ichiro.

At nang napikon na si Leone sa kanya, isang araw, inabangan nila Leone sila Joan at Ichiro pagkatapos ng klase. Humingi muli siya ng pera kay Ichiro. Ngunit hinarang muli siya ni Joan. “Sumusobra ka na sa pangingi-alam, ah!”

“Sumusobra ka na rin sa panghihinga, ah!”, ang sagot ni Joan. “Nakakapikon ka na..” ang sabi ni Leone kay Joan at bigla niyang sinuntok nito. Napa-urong ng kaunti si Joan. At dahil si Joan ay magaling sa “martial arts”, sinaktan niya rin si Leone. Nagulat si Leone sa ginawa sa kanya ni Joan. “Wala pang gumagawa sa akin nang ganyan. Pagbibigayan ko muli kayo sa pagkakataong ito. Maswerte kayo at hindi namin kasama ang aming lider.”

“Bakit, ha?! Sino ba yang lider na yan at naging maswerte kami, ha?! Baka naman maswerte kayo’t wala ang lider niyo dahil mapapahiya kayo sa kanya kapag nalaman niya ang nangyari.”, ang sagot ni Joan kay Leone na may pagmamamayabang.

Dahil sa mga sinabi ni Joan, natawa nang kaunti si Leone at sinabi, “maghintay ka lamang, Joan, kapag nakita mo ang aming lider ay patay ka!”. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na sila.

“Bakit mo sila inaway?!” ang sigaw ni Ichiro kay Joan. “Alam mo namang kayang-kaya nilang gawin ang kahit ano! Bakit kasi lagi kang nakiki-alam?!”, at tumakbong muli si Ichiro pauwi. “Hindi man lang ako inalala na sinuntok ako. Haha.”, ang sumagi sa isip ni Joan.

Kinabukasan, pagkatapos ng pangyayaring iyon, mas lalong natakot si Ichiro sa grupo nila Leone. Hindi niya alam ang kanyang gagawin kung magkita sila muli ni Leone. Ngunit hindi niya ito maiiwasan. Dumating na ang oras ng tanghalian. Hindi niya lubos maisip ang mangyayari pagdating nila Leone. “Ichiro!”, ang sigaw na galing sa likod niya. Nakilala niya agad kung kaninong boses iyon.

“Kay Leone ang boses na iyon..”, ang naisip agad ni Ichiro. “A.. ano yun?”, ang tanong ni Ichiro habang siya ay nanginginig. “Ano ba namang tanong yan?! Ibigay mo na sa amin baon mo!”

“E… eto na ang lahat ng baon ko”, at iniabot na niya ang lahat ng pagkain niya. “Hhhmmm..” ang pagtataka ni Leone. “A… ano yun?”, “bakit parang kulang?”

“a.. anong kulang? Y… yan na lahat ng baon ko.” “Bakit wala si Joan, ha? Baka naman natatakot na siya sa amin. Hahaha! Wala pala siyang sinabi, eh.” Nagsitawanan din ang mga kasama ni Leone. Iniwan na lamang nila muli si Ichiro na walang pagkain. Habang si Ichiro naman ay nagtataka rin. “Bakit wala si Joan?”. At bigla niyang naisip, “bakit ko ba siya hinahanap, mas mabuti na ‘to, para wala nang mangyaring masama.”. Pumunta na lamang ulit siya sa rooftop kagaya ng naka-ugalian niya kapag oras ng tanghalian.

Pagdating ni Ichiro sa rooftop, nakita niya roon si Joan. At bigla niyang naisip yung nangyari kanina at kung bakit hindi siya dumating nung kinuha ni Leone ang kanyang baon. Napansin siya ni Joan. “Kinuha na naman ba nila ang iyong pagkain?”

“Oo. Pero bakit…..”, napatigil siya at naisip niya, “bakit ko ba kailangang tanunging kung bakit hindi siya dumating?!”.

“Bakit ano?”, ang pagtataka naman ni Joan kung bakit siya napatigil sa pagsasalita. “Wa… wala, wala naman.”, ang sagot ni Ichiro. “Halika, sabayan mo na lang akong kumain.” Ang biglang pagyayaya ni Joan kay Ichiro dahil alam niyang napunta na lahat ng pagkain ni Ichiro kay Leone.

“Hindi, ayos lang ako” “Sige na, masyado kasing maraming pagkain ang aking nadala ngayon. Ayos lang kahit kumuha ka.” Hindi na nakatanggi pa si Ichiro at naupo na rin malapit sa pagkain ni Joan at kumain. Nagkaroon ng katahimikan sa kanilang dalawa. Habang sila ay kumakain, napansin ni Ichiro ang isang pasa sa mukha ni Joan. Naalala niya bigla ang pangyayari kahapon nang sinuntok siya ni Leone. Nabigla naman si Ichiro nang nagsalita si Joan, “bakit hindi ka lumalaban sa kanila? Kanila Leone? Natatakot ka ba sa kanila, Ichiro?”.

Napatingin naman si Ichiro nang malamin kay Joan, at nagsalita, “bakit kasi lagi kang nakiki-alam? Nung wala ka, normal lang ang buhay ko rito!”. Napatawa ng kaunti si Joan at sinabi, “normal, normal ba kamo? Normal bang tinatawag ang laging kinukuhanan ng pagkain tuwing tanghalian? Normal bang lagi ka na lamang kinukuhanan ng pera pagkatapos ng klase? Normal ba yun?”. Natulala si Ichiro nang sinabi ito ni Joan. May naramdaman siyang kakaiba na parang tinamaan siya ng kidlat sa mga sinabi ni Joan.

“Marahil ay tama ka nga.”, ang sagot ni Ichiro kay Joan. “Pero kapag lumaban ako, lalo lang may mangyayaring masama sa akin! Hindi mo ba maintindihan yun?!”. Hindi muna sumagot si Joan ng sandali. Nagkaroon ng katahimikan sa paligid. Tumayo si Joan at tumingin sa malayo na parang hinihintay ang pagdating ng hangin.

Nagsalita namang muli si Ichiro, “bakit ba lagi mo na lang ako tinutulungan sa tuwing inaapi ako nila Leone? Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagtulong sa akin na wala namang patutunguhan…”.

Biglang pinutol ni Joan ang kanyang pagsasalita at sinabi, “wala ka bang kaibigan?”.

Nagtaka naman si Ichiro kung bakit niya ito biglang natanong. “Meron. Bakit?”

“Meron, kung ganun, bakit lagi pa ring may nang aapi sayo? Bakit walang tumutulong sayo sa tuwing inaapi ka? Hindi ka ba nila tinutulungan kapag inaapi ka ng iba? Bakit lagi kang walang kasama kung may kaibigan ka?”.

Hindi naman malaman ni Ichiro kung ano ang kanyang isasagot kaya nag sinabi na lamang niya ay, “natatakot sila na baka may gawin sila Leone sa kanila”.

“Natatakot? Bakit sila matatakot kung tunay nga silang kaibigan?”

“Tama na. Bakit ikaw? Bakit mo ako tinutulungan? Hindi naman kita kaibigan, ah!”, at biglang umalis si Ichiro. Nagulat si Joan sa kanyang narinig. “Hindi naman kita kaibigan, ah…”, ang tumatakat sa isipan ni Joan.

Nang matapos ang klase, nagsi-uwian na silang lahat. At nang pauwi na si Ichiro, “Ichiro, saan ka pupunta? Uuwi ka na ba?”

“O… oo. Pa… pauwi na nga ako.”

“Mukhang may nakakalimutan ka atang ibigay sa akin bago ka umuwi, ah.”. Nang palapit na si Leone kay Ichiro, napansin niya sa likod ni Ichiro na naglalakad si Joan papalapit sa kanilang kinaroroonan. “Si, Joan..”, ang pabulong na sabi ni Leone. Nang marinig ito ni Ichiro ay malapit na si Joan sa kanila. “Sa wakas ay nandito na si Joan..”, ang sumagi sa isip ni Ichiro. Ngunit si Joan naman ay tuluy-tuloy na naglakad. Nilagpasan lamang sila na parang walang nakita.

“Mukhang wala na siyang paki-alam, ah. Mabuti naman.”, ang sabi ni Leone at itinuloy na ang kanyang naudlot na balak na kunin ang pera ni Ichiro at umalis. Si Ichiro naman ay napatulala kay Joan na naglalakad papalayo sa kanya. Nang hindi na niya nakita si Joan, nagsimula na siyang maglakad pauwi. Ngunit hindi niya namamalayan ang kanyang paligid dahil sa kalungkutang kanyang nararamdaman. Napapaisip tuloy ang mga taong madalas na nakakakita sa kanyang naglalakad tuwing siya ay umuuwi, “ano nangyari sa kanya, para siyang patay na naglalakad sa kalye”.

Sa bahay ni Ichiro, hindi siya makakain ng matino. Wala siyang gaanong gana kumain. Pagdating sa kanyang mga takdang aralin ay hindi siya makapag sagot ng mabuti, iniisip kung bakit hindi siya pinansin ni Joan. Biglang sumagi sa kanya ang kanilang pag-uusap sa rooftop. Naisip niya ang kanyang sinabi, “Hindi naman kita kaibigan, ah”. At dahil dito, hindi rin siya nakatulog ng maayos ng gabing iyon.

Lumipas ang mga araw na hindi nagpaparamdam kay Ichiro si Joan. Hindi na rin niya nakikita si Joan sa rooftop na kumakain. Unti-unti namang nararamdaman na Ichiro ang kanyang pag-iisa. Naaalala niya ang mga araw na dumarating si Joan para tulungan siya kay Leone. Naaalala niya ang araw na unang beses siya binigyan ni Joan ng pagkain na hinagis pa sa kanya. Dahil dito, lalo siyang naging malungkot. “magsorry na lang kaya ako..”, ang sumasagi sa isip ni Ichiro. Ngunit naisip niyang mas mabuti nang wala siya upang wala nang gagawing sobrang masama si Leone sa kanya.

Dumating na ang araw ng “periodic exam”, ang mga estudyante ay tahimik na nagsasagot sa kanilang mga upuan. Ang iba naman ay naghahagisan at nagpapasahan ng maliliit na papel na may nakasulat na mga sagot sa pagsusulit. Sinigurado ni Ichiro na makakakuha siya ng mataas na marka. At nang ipinakita na ang resulta ng kanilang pagsusulit sa “bulletin board”, “ayos! Ako na naman ang una sa listahan.”, ang sumagi sa kanyang isipan nang makita ang listahan.

“Tingnan niyo, pareho sila ni Ichiro at Joan na nakakuha ng pinakamataas na marka”, ang sabi ng isang estudyante sa likod ni Ichiro. Narining naman ito ni Ichiro at tiningnan muli ang listahan, “totoo nga! Pareho kami ni Joan ng marka.”, naisip niya nang makita ang pangalan ni Joan. Napansin niya bigla si Joan na nakatingin din sa listahan ngunit biglang umalis. Gusto sana niyang habulin si Ichiro ngunit naisip niya, “baka galit pa rin sakin si Joan. Wag na lang”.

“Ding, dong!”, hudyat ng eskwelahan na oras na ng uwian. Habang naglalakad pauwi si Ichiro ay nakita niya sila Leone na inaabangan na siya. “Ichiro, ang galing mo nga naman talaga. Ikaw na naman ang pinaka-una sa listahan. At dahil dito, magsasaya kami para sa iyong kagalingan, Ichiro”, ang sabi ni Leone kay Ichiro. Alam ni Ichiro na pera lang ang habol nila sa kanya.

“Alam ko namang pera lang ang gusto niyo sa akin” “Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo, Ichiro”. Ilalabas na sana ni Ichiro ang kanyang pitaka nang, “Anong ginagawa mo, Ichiro?”.

Nagulat ang lahat nang biglang may nagsalita na galing sa bandang likod ni Ichiro. Nakilala naman ito ni Ichiro, “si Joan..”.

“Ikaw Leone, asan na ang sinasabi mong lider niyo? Akala ko ba magpapakita na siya?”, ang tanong ni Joan kay Leone habang siya ay papalapit sa kanilang kinaroroonan. “Bigla kang dumating, Joan. Sa ngayon, pagbibigyan ko muna kayo dahil sa marka niyo. Magpakasaya na kayo habang hindi pa nagagalit ang aming lider sa inyo..”, pagkatapos magsalita ni Leone ay binangga niya si Joan habang naglalakad papalayo sa kanila. “J.. Joan..”.

“Ayos ka lang ba, Ichiro?”, ang sabi naman sa kanya ni Joan na may ngiti sa kanyang labi.

“A.. ayos lang ako”, ang sagot naman ni Ichiro kay Joan at bigla siyang ngumiti. Pagkatapos nilang mag-usap ay naglakad na sila pauwi. Habang naglalakad ay nagsalita si Ichiro, “Akala ko galit ka sakin, Joan”.

Napatingin naman si Joan sa kanya at ngumiti, “hindi ako nagalit. Papalapit na kasi ang “periodic exam” kaya lagi akong nasa silid-aklatan para mag-aral.”.

Nang sinabi ito ni Joan ay natawa nang husto si Ichiro. Hindi niya akalaing nag-alala lang pala siya sa wala. “Ngayon lang kita nakitang tumawa”, ang sabi ni Joan sa kanya.

“Oo nga. Tama ka. Ngayon nga lang ako naging ganito kasaya. Salamat sayo, Joan”, at nagtawanan muli sila. Bago sila maghiwalay sa daan ay sinabi ni Ichiro kay Joan, “Salamat sayo, tunay na kaibigan”, pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumiti siya at umalis.

“Paalam, Ichiro”, ang sabi naman ni Joan na may ngiti sa kanyang mga labi. Simula nun ay naging magkaibigan na sila ni Ichiro at Joan.

28 comments
  1. haizzt …magnda ang kwento pero parng nabitn ako …madme mga slta na d q naintndihn peo pnlit ko itong tpusin ….sana marami pang mga kwento ang maitala rito…

  2. Jenny(author) said:

    well, thanks for all the compliments. I’m not expecting much because it’s the first story I’ve ever made. For now, I’m thinking of making a continuation. Do you like me to continue it or not? by the way, please do continue to comment because I wanted to improve my skills in writing. Thanks for reading. Hope to see your comments! :p

    • sunako said:

      aahm.. sakto ang story nto pra sa ggwin nming project sa filipino na komiks iksrip. mganda ciang gwin sa gnun, nai’imagine ko dn un mga eksena kng ido’drawing to, then ang style is pra ciang manga ang dting. :) hehe

      pero nkkabitin ang ending k2lad na nga lng ng cnabi ng iba :) but still good and nice job for the author of it. :)

      can i have the copy of it? :)
      and can i request, to make a continuation for the good ending of the story. because its a beautiful and nice story, sayang nman kng di pa itutuloy dba. hehehe :)

      GOD BLESS! :)

    • lovely said:

      i really like ur story… sana may continuation.. aabangan ko.!!!

      • kristel said:

        yeahhhhhh!!! ryt….,very beautiful story, i will copy paste this…. <3 <3 <3

  3. astmaria said:

    the story is it so nice and clear . ang friendship ay maganda ha! (^_*)…………………………………………………………………..

  4. rona said:

    hmmm..hindi masyado malinawa an ending..bigla bumaba sa pahuli..akala q pa man..magiging sila..hahaha!!!..eneweys ur friend’s effort is appreciated and yours too for posting hir!! <3

  5. shiela mae said:

    .maganda aman..
    maxado lhan mahaba..
    .and nabitin lhan sa ending…

  6. chermelyn ramirez said:

    maganda!

  7. sunako said:

    short story dba.. gnun tlaga ang mga short story. wag gwing literal. khit maghanap pa kau ng mga short story, puros mahahaba tlaga.

    DON’T JUDGE THE BOOK BY ITS COVER

    kng titgnan, mahaba tlaga at mukang nakakatamad basahin, pero kapag binasa mo ng buo, MAGANDA pla. :)

    bkit ang mga estidyante ngaun, wla n tlagang pagsusumikap…
    puros lahat nman sknila, MAHIRAP kaagad. AMPANGET. NAKAKABORED.

    tiis lng mga pre, hndi nman pang’habambuhay, ESTUDYANTE tau. :)

    cguro, s skul nio rn, bka c Leone kau, tpos s skul nio ciempre meron dn Ichiro. xD pero ciempre, me mga k2lad nman dn ni Joan. :D

    hay hay hay…

  8. micka esteleydes said:

    kala ko ba maikling kwento bakt parng ang haba haba yata….??????

  9. JHUZKIE SANTOS said:

    maganda naman kasi parang kmi lng nung kaibigan ko gnyan din kmi ng umpisa!!! I LOVE MY BFF AND IM PROUD NA NAKILALA KO SIYA! TNX PO SA KWENTO NALIBANG PO AKO EHE1

  10. albie jane saragina said:

    haizzzz!!!!!!…..maganda sana ang story kaso lang nabitin din ako>>>>>………

  11. maganda siya. hindi nga lang nasolve yung conflict na binubully si ichiro

  12. sam said:

    ang ganda ng kwento…nabitin lang ako sa ending,sana nkilala ko yung lider nila leone,at tsaka ung kung paano nila nasolve ung problemang pambubully nila leone..
    but anyway >nice'<

    • wow thanks sa nag gawa may gagawin na kung scrip tungkol sa bullying thanks ganda super may batytuban run naman kahit papanuh…… hehehehe

      ………^_^………:P

  13. lester said:

    mahaba sya pero parang bitin,pero nakakatuwa sya basahin.

  14. Lee hwon said:

    1-10 ,bibigyan q sya ng 9.3%
    ang ganda ng kwento,nakakatuwa na nakakainspired…peo sna pinakita kung panu nares0lve ang pangbubully ni le0ne kay ichiro..,.ahmm ska mejo bitin lang… Tnx sa kwento ah.nkakainspired !

  15. faith said:

    hahaha…grabe ganda talaga ng story……speechless akouh…….

  16. faith said:

    nakalimutan ko pala bitin talaga ang story pero ok lang i really like it……

  17. marveE said:

    Ang ganda, Sana makakita ako ng katulad ni Joan =D

  18. Rex said:

    ganda nmn …good writer..

  19. yoang ganda ng kwento na kahit ano mangyari may tunay na mag kaibigan na darating sayo at mag tatanggol pag inaapi
    at pede mo pag savhan ng kahit na anong sekreto

  20. analiza aporado said:

    the best tlaga to!!!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: