Archive

Tag Archives: poem

A month has already passed since the last time I have posted. This really tells how extremely busy I am with my studies. It’s not that I am doing it for myself or for my future life, the reason is more grander than that. That’s why I’m always struggling to perfect every little detail of it, even though I know I cannot be good with everything about it. And I know that every hardship would bear fruit, this undying perseverance to work (in my case, studies) would teach me order, discipline, and the necessary virtues in life. Of course, I still enjoy and have fun despite this busy academic life.

The weather have been bad lately due to “hanging Habagat” and low pressure areas. There was a time when it rained continuously for almost a week or more, I remember hearing from the news that July had an unusual number of typhoons. Every morning, the sky greets me with a gloomy face. I long for the warmth of sunlight once again.

Yesterday, my prayer was granted. It was a really fine weather, you could see the sunbeam creeping out of the leaves and branches of the trees as if the heaven was opening wide. But those wonderful sights only lasted in the morning. The afternoon sun was more intense that you would wish for rain was once again. What extreme weathers!

And since August is the national language month, I will write and post poems in this blog. I have written  one so far, but it is still incomplete. The inspiration came from one of my favorite desserts, buko pandan. Buko pandan is a mixture of pandan gelatin/jelly, shredded buko meat, sugar, crushed ice, and evaporated milk.

Tanghali, katirikan ng araw,
Ang init ay umaalingasaw.
Lalamunan ko’y tuyo at uhaw,
Tanging tubig ang nais isigaw.

At sa paglalakad ay namasdan,
Isang payak at munting tindahan…

To be continued.

I was thinking of composing songs on my own, it could be possible after all since I know a bit of music but I still have a long way to go before I could make a nice compilation album. So for now, I would write a lot of poems that could be converted into songs later on. This poem is entitled “Bagong Araw” or “New Day”.

Narinig sa malayo ang tinig,
Awitin ng ibon sa paligid.
Tila maligayang bumabati,
Ng matatamis na mga himig.

Malamig na hangi’y yumayakap,
Sa ‘king kumot tila alapaap.
Panaginip na ubod ng sarap,
Nag-iimbitang hwag nang kumurap.

Hala! Gising na, bumangon ka na!
Idilat ang iyong mga mata.
Pagmasdan ang umagang kayganda,
Na puno ng hiwaga at sigla.

Lasapin ang matamis na hangin,
Buksan ang bintana at silipin.
Lungkot at problema ay pawiin,
Makinang na pangarap ay kamtin.

Namasdan ang orasan sa tabi,
Alas diyes ng umaga ang sabi.
Napakaaga ba o tanghali?
Nais ko pang matulog sandali.

Ngunit aking mata’y nasisilaw,
Sa tila dahan-dahang paggalaw
Ginintuang liwanag ng araw,
Sa aking mukha ay umaaapaw.

Hala! Gising na, bumangon ka na!
Idilat ang iyong mga mata.
Pagmasdan ang umagang kayganda,
Na puno ng hiwaga at sigla.

Lasapin ang matamis na hangin,
Buksan ang bintana at silipin.
Lungkot at problema ay pawiin,
Makinang na pangarap ay kamtin.

Pagkakatao’y huwag palampasin,
Hwag hayaang panaho’y sayangin.
Lahat tuparin, mga mithiin.
Tagumpay sa buhay ay lasapin.

Hala! Gising na, bumangon ka na!
Idilat ang iyong mga mata.
Pagmasdan ang umagang kayganda,
Na puno ng hiwaga at sigla.

Lasapin ang matamis na hangin,
Buksan ang bintana at silipin.
Lungkot at problema ay pawiin,
Makinang na pangarap ay kamtin.

I wrote a poem about a viewpoint of an object, a requirement I need to pass for Inkwell. The object I chose was mirror since I was curious about what would it feel if people always looks at it.

Ayus dito, ayus doon,
Suklay dito, suklay doon
Ay, may biglang sumabit
Sulklayin nang maiigi
Italing mabuti.

Ayus dito, ayus doon
Pahid dito, pahid doon
Nagmamantikang mukha
Pulbusan, paputiin
Ayusin, pantayin.

Ayus dito, ayus doon
Tingin dito, tingin doon
Tanggalin ang sibangot
Alisin mga kunot.
Pawiin ang mungot.

Ngumiti, humarap sa ‘kin
Masdan ang mga damdamin
Pawiin ang lungkutin
Balatkayo’y tanggalin
Maging tunay sa sarili

Sapagkat ako ay ikaw
At ikaw naman ay ako
Ako ang repleksyon
Nang ‘yong mga kilos
Larawan nati’y pareho.

Hanging Amihan or Northeast Monsoon is a type of wind that comes in the Philippines during the ber months: September, October, November, December, and even extends to January and February. Everyone likes this wind because its very cold; a nice change from the previous hot summer months, and you might want to grab a blanket during your sleep when you forgot to close your windows. Hanging amihan is also a sign and spirit of the fast-approaching Christmas season, the most celebrated holiday of all.

Hanging Amihan

Malamig na hangi’y ngayo’y narito na,
Nag-aanyaya ng isang kasiyahan,
Para sa pagdating ng isang pag-asa,
Dito lamang sa Pasko mararanasan.

Malamig na hangi’y ngayo’y umiihip,
Dinuduy’ang mga parol na maningning,
Sa mga bintana tila sumisilip,
Magbago, magbigayan ang tanging hiling

Malamig na hangi’y ngayo’y tinitikim,
Mababangong amoy ng mga kakanin,
Suman, bibingka at saka pichi-pichi
Inaanyayaha’ng magsalo’t kumain.

Malamig na hangi’y ngayo’y sumasaliw,
Sa mga kuliling at mga tutugin,
Isang pamaskong korus, s’yang inaaliw,
Ng mga batang masiglang awitin.

Malamig na hangi’y ngayo’y narito na,
Nag-aanyaya ng isang kasiyahan,
Para sa pagdating ng isang pag-asa,
Dito lamang sa Pasko mararanasan.

Ang hanging amihan, ngayo’y narito na,
Nagpapahiwatig ng ‘sang paghahanda,
Para sa kapanganakan ng Mesiya,
Halina tayo ay magalak, matuwa.

This is my original Tagalog poem entitled “First Friend”, though I would prefer it to be called as “Unang Kaibigan”. I just finished it for a matter of two hours and I hope it turned out well. The words I used were very simple, and the poem does not really contain a deep meaning; just about someone telling a story on how he/she met his/her first friend. Enjoy!

Natatandaan mo pa ba,
Noong tayo ay musmos pa?
Ikaw ang una kong nakita,
Nakilala, nakasalamuha.

Sa unang araw ng paaralan,
Dati ako’y mahiyaing bata.
Hindi umiimik, kinakabahan,
Isip ko’y puno ng pangamba.

Paano kaya ang mag-aral?
At ang makipagkaibigan?
Pilit kong inalis ang kaba,
Saka ngumiti ng bahagya.

At ika’y lumapit ng bigla,
Puno ng saya ang mukha.
Tumabi sa aking kaliwa,
Saka masayang nagpakilala.

“‘Magandang araw, kaibigan”,
“Kamusta na? Mabuti ba?”
‘Yon ang una mong salita,
Kaya ako’y lubos nagtaka.

Ngunit loob ko’y natuwa,
Sapagkat ika’y nakilala.
Kaya nangingiti kong wika,
“Napakabuti, ikaw ba?”.

Tila higit pa sa tadhana,
Ang ating unang pagkikita.
Una pa man alam ko na,
Ika’y una kong kaibigan.

Natatandaan mo pa ba,
Noong tayo ay musmos pa?
Ikaw ang una kong nakita,
Nakilala, nakasalamuha.