Sanaysay na Teknikal

I wrote this article a long time ago too. I wonder if this technology is still new.

“Sanaysay na Teknikal” or Technical Essay is an article about profitable technological and scientific advancements in agriculture, poultry, fishing, and many more. I used to watch Japan Video Topics on TV and came across  an interesting documentary, “Global Oysters Supported by Forests”. So, I was inspired  by it and researched more about oysters. Here are my findings.

TRIPLOID OYSTERS; NATATANGING URI NG TALABA

Talaba; tunay na RAPSA at masustansiya, at maikukumpara sa gatas ang lasang mamumuot sa iyong bibig sa oras na ito’y iyong kainin. Naglalaman ito ng calcium, zinc, Vitamin A, at iba pang mahahalagang bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan. Paborito itong isawsaw sa suka, ihawin, hurnuin, mapakahit-anong paraan, at kahit kainin ng hilaw pagkabukas. Kaya naman ang pag-aalaga ng talaba ay patok na patok sa mga Pinoy, lalo na sa mga mangingisda sa tabing-dagat, sapagkat ito ay talaga namang mahal at mapagkakakitaan, kapag napangalagaang mabuti ang industriya nito.

Breeding ang karaniwang ginagamit na proseso upang makakuha ng pinakamagagandang variations ng talaba. Simple lang naman ito, karaniwang namimili ang aquaculturist ng mga talabang may magagandang sets ng genes tulad ng mas malalaman, malalaki, may mas resistensiya sa mga sakit, atbp. At ito ay pinapalahi upang lalong makakuha ng mas magandang uri ng talaba, upang lalo pang mapagkakitaan.

Ngunit sa ngayon, ay may nauuso uri ng talaba, na tiyak na kapaki-pakinabang: Triploid oysters na karaniwang ginagawa sa mga Pacific oysters o Crassostrea gigas. Ito ay sa dahil maaari itong anihin sa buong taon, kumpara sa pangkaraniwang diploid na talaba na hindi inaani sa mga buwang may ‘r’ ika nga, mga buwan ng Mayo hanggang Agosto, mga buwang sila ay nagpapalahi. Sa kabilang banda, ang mga Triploid oysters na ito ay inaaning mas malaki at makarne sa karaniwan, kaya naman napakalaki ng potensiyal nito sa industriya ng talaba, hindi lamang sa Pilipinas, kundi kahit sa ibang bansa.

Polyploidy ang isa sa mga prosesong sinasagawa upang magkaroron ng Triploid oysters. Pangkaraniwang nagiging haploid ang diploid na egg cell sa meiosis stage ng cell division, at kapag ito ay nafertilize ng haploid na sperm cell, ang resulta ay ang diploid fertilized egg cell. Ngunit nagkakaroon ng chromosome alteration sa paggawa ng Triploid oysters. Nireretain ang dalawang sets ng chromosomes ng itlog, at sa fertilization process ay nadadagdagan ito ng isa pang set ng chromosomes na galing sa sperm, kaya naman nagiging tatlo o triploid ang chromosomes ng talaba.

Ang isa pang pamamaraang nadiskubre sa paggawa ng Triploid na oysters ay sinasabi ring epektibo. Pinapalahi ang mga Tetraploid oysters sa karaniwang Diploid oysters, na nagiging resulta rin sa Triploid oysters. Pagkatapos ng fertilization, ngunit bago pa man ang hatching process, hinaharangan ang release ng Polar Body II sa chromosomes. Walang ginagawang genetic alteration, kimikal o ano pa mang proseso dito, samakatwid ito ay nasasabing ligtas.

Sa dalawang pamamaraang nabanggit, pareho ang nagiging resulta: lumiliit ang gonads, o ang reproductive organs nito. Kaya naman hindi na ito nag-uundergo ng reproduction. Ang energy na dapat sanang ginagamit sa reproduction ay hindi na ginagamit, kaya naman higit na malalaki ang mga Triploid oysters sa pangkaraniwan, at naaani pa mapakahit-anong buwan, tulad ng aking nabanggit kanina.

Kung pag-uusapan ang negosyo ng Triploid oysters, nakatitiyak na malaki ang kikitain dito, kahit may kamahalan sa una ang kakailanganing puhunan. Karaniwang ginagawa ang hanging method sa mga nag-cuculture ng talaba lalo na sa ganitong uri ng talaba, at malimit na ginagamit ang kawayan at nylon rope dito. Kung susumahin ang halaga ng mga kagamitan at ang halaga ng palalakihing Triploid oysters, ito ay maaring umabot sa P50 000 hanggang P60 000. Ngunit ikaw naman ay makaaani rito ng mahigit kumulang 200 sako, na ang bawat sako ay maaaring maghalaga sa P700. Kaya namang bawin-bawi ang puhunan, at malaki ang kikitain kapag napangalagaang mabuti ang industriyang ito.

Sa ngayon, maraming mga aquaculturists ang nakikinabang sa pagpapalaki ng Triploid oysters. Ang mga Triploid oysters ay sadyang may malaking potensiyal sa industriya ng talaba, kaya naman marami na ring mga bansa ang nagsasagawa nito, kabilang ang United States at mga Asyanong bansa.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: