Unang Kaibigan

This is my original Tagalog poem entitled “First Friend”, though I would prefer it to be called as “Unang Kaibigan”. I just finished it for a matter of two hours and I hope it turned out well. The words I used were very simple, and the poem does not really contain a deep meaning; just about someone telling a story on how he/she met his/her first friend. Enjoy!

Natatandaan mo pa ba,
Noong tayo ay musmos pa?
Ikaw ang una kong nakita,
Nakilala, nakasalamuha.

Sa unang araw ng paaralan,
Dati ako’y mahiyaing bata.
Hindi umiimik, kinakabahan,
Isip ko’y puno ng pangamba.

Paano kaya ang mag-aral?
At ang makipagkaibigan?
Pilit kong inalis ang kaba,
Saka ngumiti ng bahagya.

At ika’y lumapit ng bigla,
Puno ng saya ang mukha.
Tumabi sa aking kaliwa,
Saka masayang nagpakilala.

“‘Magandang araw, kaibigan”,
“Kamusta na? Mabuti ba?”
‘Yon ang una mong salita,
Kaya ako’y lubos nagtaka.

Ngunit loob ko’y natuwa,
Sapagkat ika’y nakilala.
Kaya nangingiti kong wika,
“Napakabuti, ikaw ba?”.

Tila higit pa sa tadhana,
Ang ating unang pagkikita.
Una pa man alam ko na,
Ika’y una kong kaibigan.

Natatandaan mo pa ba,
Noong tayo ay musmos pa?
Ikaw ang una kong nakita,
Nakilala, nakasalamuha.

1 comment
  1. Dante Caruso said:

    astig. sige, paramihan tayo g tula, joke😛. maganda siya. good luck sa iba mo pang tula😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: