Sinangag

Read and learn how to cook Sinangag or fried rice; my style.

Sinangag

Buksan ang kala’t kawali’y painitin,
Mantika’y ibuhos saka pakuluin,
Sibuyas at bawang ay pinong hiwain,
Ihasik sa mantika’t saka tustahin.

Ngayo’y ilagay, pinagtirahang kanin,
Masahing mabuti’t saka buhaghagin,
Sa init ng apoy maiging lutuin,
Basta huwag lamang sadyaang sunugin.

Dagdagan ngayon ng samu’t saring sahog,
Lagyan ng repolyo, kerot pati hotdog,
Lahat ng ito’y sama-samang ihulog,
At upang kumula’y samahan ng itlog.

Pagkatapos nama’y ating palasahin,
Taktaka’t budburan ng sapat na asin,
Lagyan ng paminta’t upang pasarapin,
Matapos palasahi’y saka haluin.

Mainit-init pa’y sa pinggan, ihain,
Umuusok na amoy saka langhapin,
At bago ang lahat, tayo’y manalangin,
Sumandok ng sinangag saka kumain.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: