Sulpataysol

Ang Pilipinas ay nakaranas ng matinding paghihirap noong panahon ng Hapon. Sinakop at inangkin ng mga dayuhan ang mga lupang sakahan upang gawing taniman ng tabako at bulak sa halip na mga anihing palay at mga gulay. Maraming nawalan ng hanapbuhay at makakain dahil dito, kaya naman nauso ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkakakitaan. Isa na rito ang buy and sell kung saan binibili at binebentang muli ang mga mahalagang ari-arian ng maramihan. At isa sa mga mahalagang ari-arian dito ay ang gamot na Sulpataysol.

Ang pook tagpuan ay sa isang warehouse kung saan si Belmonte, isa sa mga tauhan ni Dr. Schultze na may malaking negosyo sa buy and sell ay may kausap sa telepono na isang Tsninong kliyente na nais magbenta sa kanila ng 1000 piraso ng sulpataysol. Makaraan ang tawag, pinatawag niya si Pedro na isa pang tauhan na dalhin ang perang ipambabayad sa gamot sa kliyente.

Nang makaalis na si Pedro, ay nagkaroon ng maikling pag-uusap sina Belmonte, Gutierez at Gabon (iba pang tauhan) tungkol sa kanilang kinikita dito sa buy and sell ng sulpataysol. Lumalabas na kalahating milyon na rin ang kanilang itinubo rito at marahil ay lalaki pa pagkatawag ng isa pa nilang mahalagang kliyente na isang ginang kung saan magbebenta na rin ng gamot sa kanila. Habang nag-uusap ang dalawa, hindi napansing pumasok si Sisang, isang mahirap na buhat pang malayong lugar.

Tumunog uli ang telepono at sinagot itong muli ni Belmonte. Mula ito sa tawag ng kanyang kumpare na nais bumuli sa kanila ng 100 piraso ng sulpataysol sapagkat nagkaroon ng maysakit ang kanyang pamilya. Kumagat na rin ito sa halagang P80 isang tablet sa higpit ng pangangailangan; kaya naman kaydali naman talagang kumita ng salapi sa ganitong hanapbuhay.

Si Sisang nama’y nagpapansin na at sinabing nais niyang bumili ng apat na tableta para sa kanyang anak na maysakit buhat pa sa malayong lugar. Hindi pumayag si Belmonte sapagkat hindi tingian ang kanilang bentahan ng sulpataysol. Biglang dumating ang kanilang boss na si Dr. Schultze at nagbalitang magdidiwang sila sa nightclub dahil sa isang mahalagang kliyente na magbebenta sa kanila ng gamot na si Ginang Abiana, ang kilalang social worker na ipinagkatiwalang namumudmod ng libreng gamot sa mga pagamutan. Dahil sa hirap na raw ng panahoon, pati ang nasabing ginang ay bumigay na rin sa tukso.

Ipinaaalam naman ni Belmonte na mayroong isang mahirap na nais bumili sa kanila ng gamot. Hindi pumayag si Dr. Schultze dahil wala ito sa kanilang palakaran. Nag-alay si Sisang ng P140 na kanyang kinita sa pagbebenta ng ari-arian upang mabili lamang ang mga tablet, ngunit nagalit si Dr. Schultze sapagkat hindi lang ganoon kamura ang kanilang gamot.

Naudlot ang pagtatalo ng dumating si Ginang Abiana na tila nagmamadali sapagkat may pupuntahan pa siyang radio interview sa Manila Hotel. Ipinaalala niya ang tsekeng dapat niyang tatanggapin, at inihanda naman ito ni Dr. Schultze. Pagkabigay ay umalis na kaagad si Ginang Abiana, nguni pinigil siya ni Sisang at nagmakaawa sa harapan niya. Hindi siya pinansin kaya naman nagmaktol si Sisang sa harapan niya at pinagbintangan ng pagtataksil sa kanyang responsibilidad bilang isang social worker. Dahil dito nasampal ni Ginang Abiana si Sisang at pinagapos sa mga tauhan ng warehouse. Si Sisang sa huli ay nawalan ng malay.

Napili ko ang dula na ito sapagkat makikita dito ang kasakiman at corruption na matagal nang nakaugat sa kasaysayan ng Pilipinas mula pa noong mga panahon ng digmaan hanggang sa ngayon. At kadalasan, ang mga nasa taas ang tunay na nakikinabang dito, samantalang ang mga mahihirap ang lalo lamang nagdudusa sa kawalan ng dignidad ng mga pinuno ng sambayanan.

Ang dulang ito ay mahahanap sa librong “Mithi” nina Aguila, Guimari at Monton. Ang sumulat ng dulang ito ay si Carmen Lualhati noong 1934. Ito ay akin lamang pagsusuri.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: