Totoo Na Ba ‘To

I think it’s a continuation of the short story I posted months ago: Tunay na Pagkakaibigan. My friend asked me to post her one-act play in my blog. She would really appreciate it if you read and comment in this post.

MGA TAUHAN:
Joan: Kaibigan at Kaklase ni Ichiro
Ichiro: Hindi mahilig magpa-ayos
Mga Nagpapa-ayos sa Salon
Tauhan sa Salon1
Tauhan sa Salon2

TAGPUAN: Sa loob ng isang mall

PANGYAYARI: Pumunta sina Ichiro at Joan sa isang mall para maghanap at bumili ng mga kagamitan para sa kanilang proyekto sa Arts. Habang sila ay naglalakad, napadaan sila sa isang magandang salon.
Joan: Tingnan mo, Ichiro. Maraming nagpapa-ayos sa salon na yan. Gusto mong subukan?

Ichiro:  (saglit na napatingin sa salon) Joan, nandito tayo ngayon para bumili ng mga gagamitin natin sa proyekto, hindi para magpa-salon.

Joan: Hindi ko naman nakakalimutan yun, eh. Atsaka, marami pa tayong oras para sa ating proyekto.

Ichiro: Ayaw mo bang matapos nang maaga para may oras pa tayo sa iba nating mga takdang aralin?

Joan: Yan ka nanaman. Puro na lang eskwelahan ang inaatupag mo. Alam mo bang kaya ka pinagtatawanan eh, dahil sa hindi ka laging nag-aayos? Pagdating mo sa silid-aralin, magulo pa ang buhok mo, at hindi pa naka-suot nang maayos ang iyong salamin sa pagmamadali.

Ichiro: Wala naman akong paki alam sa kanila. Basta ang mahalaga mataas ang nakukuha kong marka.

Joan: Ikaw wala, ako meron kasi kaibigan mo ako. Ayokong pinagtatawanan ka nila. Kahit na mataas pa ang makuha mong marka, hindi mababago ang tingin nila sayo.

Ichiro: (naisip ang mga sinabi ni Joan) Hmmm… Ayoko pa rin. Mahal kaya diyan sa Salon na yan. At puro babae lang ang nagpupunta sa isang salon.

Joan: (napatawa nang kaunti) Hindi, ah. Akala mo lang yun kasi babae ang madalas na nagpapa-ayos. Meron ding lalaki. At wag kang mag-alala, sasamahan naman kita, eh.

Ichiro: Kahit na samahan mo ako, babae ka kaya ok lang.

Joan: Hay naku. Ang dami mo pang palusot. Tara na nga. (hinila ni Joan si Ichiro papasok ng salon). Excuse me, pa-assist naman kami.

Tauhan sa salon1: ah, yes? Ano pong maipaglilingkod naming?

Ichiro: Ah, wala ho.

Joan: (pabulong na sinabi kay Ichiro) Anong wala ho? (humarap sa tauhan) Gusto po sana naming ayusan niyo itong kasama ko.

Tauhan sa salon1: sige ho. Dito po ang daan. (itinuro niya ang isang upuan at doon naupo si Ichiro habang si Joan naman ay nasa katabing upuan upang magpagupit din nang kauti)

Tauhan sa salon1: sandali lang ho. Tatawagin ko lang po ang mag-aayos.

Tauhan sa salon2: hello. Ako ang mag-aayos sa ngayon, boy. Ano bang pangalan mo?

Ichiro: Ichiro po.

Tauhan sa salon2: ay! Kay gandang pangalan. Kaya lang, bakit parang…

Joan: (humarap sa mag-aayos ka Ichiro) Gusto ko po sanang ayusan niyo ang aking boyfriend para maging gwapo siya sa aming date mamaya. (at ngumiti nang kaunti)

Tauhan sa salon2: ay! Boyfriend mo pala siya. Sorry.

Joan: Ayos lang po. Naiintindihan ko po. Pero sa tingin ko, pagkatapos niyo po siyang ayusan, mawawala ang inyong alinlangan. (at ngumiti kay Ichiro)

Tauhan sa salon2: ay, naku! Akong bahala sa boyfriend mo, girl!

Ichiro: (namula nang kaunti at hindi na nagsalita pa)

Joan: (tumayo na at pumunta sa mga may magazine upang magbasa habang naghihintay kay Ichiro)

Tauhan sa salon2: pasensya ka na kung medyo  matagal. Wag kang mag-alala Ichiro. Hindi ka na makikilala ng girlfriend mo sa sobrang gwapo mo.

Ichiro: ah, eh. Kayo pong bahala.

Tauhan sa salon2: (lumapit na kay Joan) Girl! Tama ka! Ang gwapo nga ng boyfriend mo! Tapos ko na siyang ayusan. Halika dito, bilis!

Joan: (ibinaba ang magazine na binabasa at sumunod sa tauhan)

Tauhan sa salon2: Eto na ang iyong boyfriend!

Ichiro: (humarap nang dahan-dahan kay Joan)

Joan: (napangiti nang kaunti habang nakaharap kay Ichiro)

Ichiro: Bakit ka natatawa? Hindi ba bagay? Ang kulit mo kasi, eh. Ayaw ko kasi magpa-ayos, eh.

Joan: (natulala nang ilang segundo) Ha… ah… Bagay nga sa’yo, eh.. Ang….Ang gwapo mo..

Ichiro: (biglang namula nang kaunti) Sa…salamat…
Joan: Kanino yang suot na salamin mo?

Tauhan sa salon2: Sa akin yan, girl. Pinasuot ko lang sa kanya nang saglit. Mas bagay kasi yan kaysa dun sa salamin niya. Di ba, girl?

Joan: O…opo. Bagay nga po. (at biglang ngumiti)

Tauhan sa salon2: Yan girl, ah. Gwapo na siya para sa date niyo mamaya. Nakakakilig naman!

Joan: (natawa bigla nang kaunti) Salamat po. (pumunta silang dalawa ni Ichiro sa cashier para magbayad) Magkano po ba?
Tauhan sa salon1: ah, P500 girl. Medyo marami kasing ginawa sa boyfriend mo, eh. Wag ka mag-alala, sulit naman ang bayad niyo, eh.

Ichiro: (Iniabot sa tauhan ang bayad. Namula naman muli nang kaunti habang naglalakad sila papalabas ng salon at bumulong kay Joan) Bakit mo kasi sinabi na magboyfriend tayo? Yan tuloy.

Joan: Ayos lang yun. Para hindi sila magduda katulad nun nangyari kanina. (bigla muling tumawa)

Ichiro: inaasar mo ba ako?!

Joan: Hindi na. Sorry na. (at ngumiti kay Ichiro) Tingnan mo. Gwapo ka naman pala kapag na-ayusan, eh. Dapat lagi ka nang mag-ayos ng sarili, ah.

Ichiro: Oo na, girlfriend lang kita ganyan ka na, ah.

Joan: Aba! Sineryoso mo naman. (biglang tumawa nang kaunti)

Ichiro: haha. Halika na nga. Marami pa tayong dapat bilhin.

Joan: Sige na nga. Hay. Ang “boyfriend” ko, ang gwapo. Tingnan mo nga, pinagtitinginan ka na.

Ichiro: Selos ka naman. (natawa nang kaunti) Wag ka mag-alala, ikaw lang ang nasa isip ko.

Joan: Salamat kung ganun. (nagtawanan muli ang dalawa at pumunta na sa bilihan ng mga gamit na gagamitin nila sa kanilang proyekto)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: