Archive

Literature

Another article I wrote related to Economics. Dormers always find it convenient and a happy treat to call for delivery, as long as they have money for it.

“Pa-deli tayo!”

Pagpatak pa lang ng alas-singko ng hapon, asahan mo nang maririnig mo ito sa mga usapan ng mga Pisay dormers. Ang “deli” ay salitang pabalbal sa “delivery” na maaaring napaikli na sa paglipas ng panahon at dahil na rin upang mapadali ang pagbigkas sa pag-aanyaya sa mga taong nais sumama.

Ang delivery ay tila isa ng ritwal na naging parte na ng buhay ng isang Pisay dormer. Ngunit bakit pa nga ba magpapa-deli kung mayroon namang Pisay cafeteria? At heto ang mga kasagutan:

Una nagkakaroon ang mga Pisay dormers ng pagsasawa o LDMU (Law of Diminishing Marginal Utility). Sa LDMU, habang dumadalas ang paggamit ng isang bagay, bumababa rin ang “satisfaction” ng gumagamit nito. Ganito rin ang sitwasyon sa mga Pisay dormers. Araw-araw, palagi na lang caf food kaya bakit hindi naman maghanap ng iba? Ngunit alam naman nating may kaunting kamurahan ang caf food kaysa fastfood.

Kaya naman sa mga panahong nakakaluwag sa higpit ng sinturon ang mga dormers saka lang sila nagpapa-deliver lalo na sa mga panahon ng linggo ng stipends. Tumataas ang kanilang mga baon, kaya naman bakit hindi na lang bumili ng mga fastfood para mabago? Dito, masasabi natin na ang fastfood ay isang superior good kung saan nabibili lamang kapag nagkakaroon ka na ng kakayahang mabili ito habang ang cafeteria food ay palaging “last choice”.

Narito ang listahan ng mga pinakamadalas dumalaw na fastfood delivery chains sa GRHM:

  • Jollibee
  • Mcdonalds
  • Greenwich
  • Chowking
  • Binalot
  • Box-O-Rice
  • Yoshinoya
  • Tapa King
  • KFC
  • Kenny Rogers
  • Sbarro
  • Wendy’s
  • Burger King

Napapansin na rin na dumadalang ang nagpapa-deliver sa Jollibee, KFC at Greenwich. Dahil na rin sa araw-araw sila nakikita’t napagbibilhan sa cafeteria, nagsasawa na rin ang mga dormers sa panlasa nila. Paglipas ng panahon, mas naghahanap ng bago ang mga dormers at dumidiskubre ng mga bagong delivery chains tulad ng  Sbarro, Kenny Rogers at Binalot.

Kaya naman tara! Tawag na!

Advertisements

Together with my groupmates, Cara and Isa, we made a children storybook with a twist of science that we needed to pass for Life Science. The main character is little Rachel Carson who wrote the “Silent Spring”, and the plot is about Biomagnification as the bad effect of  DDT or dichlorodiphenyltrichloroethane on nature. The drawings are very simple, and I hope the plot is conceivable to young readers.

Once upon a time, in a dark little bottle, there lived a tiny particle with a very long name, but everyone called her Little DDT. Little DDT was brought out of her bottle every day to help people chase out pests, but no one ever thanked her. She was very sad, and wanted to show everyone that she was good for more than scaring away insects. “I’ll show them!” she whispered to herself. “I’ll make them see how great I can be!” And so began the plan that would change the world completely.

A few weeks later, the animals of the world were having a meeting. Everyone was talking at once, and no one noticed anything was wrong until one little chipmunk cried out, “Why are there so many rabbits?”

A hush fell over the animals as they tried to count. One.. two.. too many! Then they noticed that there were other things wrong with the group.

“Where are the ospreys?” asked a rat.”Where are the fish?” said a dove. “The balance of nature has changed!” cried an eagle. “What went wrong? What happened?”

Everyone started talking again, giving their own ideas, when suddenly one little human girl stood up and said loudly, “I volunteer to find out what happened! I’ll investigate this, and I’ll tell everyone at the next meeting what I found out.” Everyone agreed to this, and the little girl went away to start her work.

The little girl, whose name was Rachel, decided to go to the rabbits first. “Excuse me, Mr. Rabbit, but why are there so many of you?”
“Oh little girl, we haven’t seen the ospreys recently. They like to chase us around, you see, so now that they’re gone, all of us can come out to play!” Mr. Rabbit said happily.
“But where did all the ospreys go?”
“I don’t know, little Rachel. Maybe you can ask Mr. Osprey- he lives in that tree over there! You should see if he’s home, though.”
“Thank you, Mr. Rabbit!”
And she skipped away towards the tree.

When she got to the tree, she found that Mr. Osprey was very sick.
“Mr. Osprey!” she called out. “It’s me, Rachel. How are you, sir?”
“Oh, I feel terrible,” he groaned. “And it’s not just me- all of our family here is sick! Even the little ones are feeling sick inside their eggs.”
“That’s horrible,” Rachel said sadly. “But how do you think this happened, Mr. Osprey?”
Mr. Osprey thought for a moment. “Well, it might have been when I ate a very bad-tasting mouse a week ago. Perhaps the mice are also sick- you should ask Miss Mouse. She lives over there in that little burrow.”
“Thank you, Mr. Osprey!”
And she skipped away towards the burrow.

At the burrow, she found that Miss Mouse was sniffling, but she wasn’t quite as sick as Mr. Osprey.
“Good morning, Miss Mouse! How are you feeling?”
“Not too bad, Rachel, thank you for asking.” Miss Mouse coughed a little. “The family is sick as well, but we can get by.”
“That’s good to hear. But when did you get sick?”
“Hm..” Miss Mouse tapped her cheek as she thought. “I think it started last week, when I ate a piece of wheat that tasted terrible. You can talk to the plants, dear, or maybe visit the Wheat family over at the field. I’m sure Mrs. Wheat would be delighted to speak with you.”
“Thank you, Miss Mouse!”
And she skipped away towards the wheat field.

When she arrived at the wheat field, she was very surprised by what she found. The Wheat family didn’t look sick at all!
“Hello, Mrs. Wheat. How are you today?”
“Perfectly fine, dear Rachel. Why do you ask?”
“The animals had a meeting, and everything is wrong! I’ve asked around, and I noticed something strange. The ospreys and the mice are sick, and they think it’s because of something they ate.”
“Oh, that sounds terrible. Well, if it helps, I do remember that about a week ago, there was something that landed on me. It was very small, so I lost track of where it was after that.”
“Thank you, Mrs. Wheat! That might just be the key!”
And Rachel left with a smile on her face.

For days and days Rachel tried to figure out what could have gone wrong- and most importantly, what the mystery thing that landed on Mrs. Wheat was. She felt it was all connected somehow… Then one day, just when she was about to give up, she had an idea. A brilliant, wonderful, almost impossible idea.

The time of the next world meeting had come, and all the animals had gathered again. This time, though, they were all quiet as they waited for Rachel to present her findings.
“Animals of the world,” she announced. “I’ve figured out what went wrong!”
“What happened?”
“Who did it?”
“I found out that there was a mysterious little particle that visited the Wheat family- but it was so small they hardly noticed it. But they didn’t know that the particle affected them very much. When Miss Mouse ate a piece of wheat, she started to get sick, and spread it to all her family. Then, when Mr. Osprey ate a mouse, he got sick as well, but this time even worse than Miss Mouse! His whole family was affected, and that’s why they aren’t here right now.”
“So who is this mysterious particle?” asked the eagle.
“Here she is… Little DDT!”

Rachel held up a blade of grass, and everyone leaned closer to see the particle.
“So, Little DDT, why did you do it?”
“It’s all your fault!” she shouted. “All of you! None of you appreciated what I did for you!”
“That’s not true!” the animals cried. “We were always grateful.”
“Except maybe the insects,” Rachel added.
“But no reason can excuse what you did, Little DDT,” the eagle said seriously. “You tried to change the world in a very bad way, and for that we have to punish you.” The eagle raised his voice so that everyone could hear him. “I declare that Little DDT should be banished to her bottle, forever!”
“No!” cried Little DDT, but no one listened to her.

So Little DDT is now safe forever in her bottle, and the world is peaceful and everyone lives happily ever after.

THE END

I needed to write an article related to Economics, so I thought of discussing the money value of twenty pesos this present time.

Lahat ng bagay ay kumukupas.

At sa pagkupas, kasabay ang pagkawala ng halaga nito. Ang bisikleta na palagi mong sinasakya’y marahil kalawangin na’t malambot ang mga gulong na hindi na halos nagagamit. Kahit ang lolo mo marahil ay malakas ang pangangatawan, malinaw ang mga mata, at maiitim at malago ang buhok noong kanyang kabataan, ay uugod-ugod na, ubanin at malabo ang mga mata. Ganito rin ang nangyayari sa halaga ng pera.

Pera ang tawiran ng bentahan, bilihan at kalakalan. Ito rin ang nagdidikta ng halaga ng isang bagay. Hindi maiiwasan sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng inflation, ang pagbaba o pagtataas ng presyo ngunit kadalasan ay nangyayari ang pagtaas. Kaya naman ang dati mong kayang bilhin sa isang yunit ng pera ay marahil hindi mo na kayang bilhin sa susunod na panahon. Nawawala ang dating halaga ng pera.

Ayon kay Sir Espanol, alumni ng Pisay, nakakabili pa siya ng coke, bear claw, knick knacks, at chocolate roll sa Cafeteria sa halagang bente pesos noong kabataan niya. Marami-rami’t nakakabusog na rin para sa isang kainan. Kahit isang ulam at isang kanin ay kasya na rin daw. Ganoon nga siguro kamura ang mga pagkain noon.

Ito ang hamon ngayon: ano pa kaya ang mabibili ng bente pesos, na siyang pinakamaliit na perang papel ngayon sa Pilipinas, sa Pisay cafeteria?

  • Anon1: Cheezy (P19)
  • Anon2: Iced tea (P121) and small junkfood (P8)
  • Anon3: Cupcake (P18)
  • Anon4: Half Rice (P5), Food Sauce (0), Fun Chum (P8), Spork (P2)
  • Anon5: Bottled Water (P13)
  • Anon6: Orange Juice (P16)
  • Anon7: Cheeze it (P6), Loaded (P6), Funchum (P8)
  • Anon8: Bottled Water (P15)
  • Anon9: Whole Rice (P8), Spork (P2), Sabaw (P0), Siomai (P8.50), Candy (P1)
  • Anon10: Ensaymada (P20) (sakto at pwede na rin)
  • Anon11: Bottled Water (P13)
  • Anon12: Small Bottled C2 (P17)
  • Anon13: Nestea (P18) (may nabibili ba sa bente?)
  • Anon14: Donut (P14), Candies (P6)
  • Anon15: Bottled Water (P15)
  • Anon16: Buttered Corn (P15)
  • Anon17: 2 Siomai (P15)
  • Anon18: Half Rice (P5), 2 Siomai (P15) (magkakamay na lang)
  • Anon19: Buko Juice (P14)
  • Anon20: 2 Rice (P16), Sabaw (P0)
  • Anon21: Butter Coconut (P12), Funchum (P8)
  • Anon22: 2 Siomai (P15) (may nabibili ba sa bente?)
  • Anon23: Banana-cue (P15)
  • Anon 24: Kitkat (P11)
  • Anon25: Butter Coconut (P15)
  • Anon 26: Sago’t Gulaman (P20)
  • Anon27: Half Rice (P5)

Marami ang tila hanggang tubig lang ang kinaya nilang bilhin, ang iba naman ay funchum at iba pang inumin. Hanggang pampalipas-uhaw lang yata ang bente sa kanila ngunit maaaring  nakakabigat na rin ng tiyan. Karamihan din ay naisipang bumili ng mga pampalipas-gutom na meryenda tulad ng mga biscuit, tinapay at mga chichiria. Meron din namang naisip na bumili ng kanin at ulam na isang siomai, o sabaw o food sauce para mabusog. Marahil ay pinakanakakatuwang ideya ito dahil naipagkasya nila sa bente pesos ang rice meal. Kaya naman pala kung gugustuhin.

Hindi naiwasang masambit ng iba, “May nabibili pa ba sa bente?”. Ang naiisip nila marahil ay kung may nakakabusog pa bang nabibili sa bente pesos. Maaaring wala na nga sa ngayon. Ngunit kung ang habol mo ay manaka-nakang pagkain, mayroon pa naman: kaunting tinapay, inumin, junkfood na pangmeryenda.

Asahan natin sa paglipas ng panahon ang bente pesos ngayon na may naibibili pa ay wala na. Kendi sa bente pesos?

I was thinking of composing songs on my own, it could be possible after all since I know a bit of music but I still have a long way to go before I could make a nice compilation album. So for now, I would write a lot of poems that could be converted into songs later on. This poem is entitled “Bagong Araw” or “New Day”.

Narinig sa malayo ang tinig,
Awitin ng ibon sa paligid.
Tila maligayang bumabati,
Ng matatamis na mga himig.

Malamig na hangi’y yumayakap,
Sa ‘king kumot tila alapaap.
Panaginip na ubod ng sarap,
Nag-iimbitang hwag nang kumurap.

Hala! Gising na, bumangon ka na!
Idilat ang iyong mga mata.
Pagmasdan ang umagang kayganda,
Na puno ng hiwaga at sigla.

Lasapin ang matamis na hangin,
Buksan ang bintana at silipin.
Lungkot at problema ay pawiin,
Makinang na pangarap ay kamtin.

Namasdan ang orasan sa tabi,
Alas diyes ng umaga ang sabi.
Napakaaga ba o tanghali?
Nais ko pang matulog sandali.

Ngunit aking mata’y nasisilaw,
Sa tila dahan-dahang paggalaw
Ginintuang liwanag ng araw,
Sa aking mukha ay umaaapaw.

Hala! Gising na, bumangon ka na!
Idilat ang iyong mga mata.
Pagmasdan ang umagang kayganda,
Na puno ng hiwaga at sigla.

Lasapin ang matamis na hangin,
Buksan ang bintana at silipin.
Lungkot at problema ay pawiin,
Makinang na pangarap ay kamtin.

Pagkakatao’y huwag palampasin,
Hwag hayaang panaho’y sayangin.
Lahat tuparin, mga mithiin.
Tagumpay sa buhay ay lasapin.

Hala! Gising na, bumangon ka na!
Idilat ang iyong mga mata.
Pagmasdan ang umagang kayganda,
Na puno ng hiwaga at sigla.

Lasapin ang matamis na hangin,
Buksan ang bintana at silipin.
Lungkot at problema ay pawiin,
Makinang na pangarap ay kamtin.

I wrote a poem about a viewpoint of an object, a requirement I need to pass for Inkwell. The object I chose was mirror since I was curious about what would it feel if people always looks at it.

Ayus dito, ayus doon,
Suklay dito, suklay doon
Ay, may biglang sumabit
Sulklayin nang maiigi
Italing mabuti.

Ayus dito, ayus doon
Pahid dito, pahid doon
Nagmamantikang mukha
Pulbusan, paputiin
Ayusin, pantayin.

Ayus dito, ayus doon
Tingin dito, tingin doon
Tanggalin ang sibangot
Alisin mga kunot.
Pawiin ang mungot.

Ngumiti, humarap sa ‘kin
Masdan ang mga damdamin
Pawiin ang lungkutin
Balatkayo’y tanggalin
Maging tunay sa sarili

Sapagkat ako ay ikaw
At ikaw naman ay ako
Ako ang repleksyon
Nang ‘yong mga kilos
Larawan nati’y pareho.

I wrote a dedication in remembrance to former President Cory Aquino. May she rest in peace together with her husband Ninoy.

Hindi ko lubos maisip na huli na ang lahat para sa akin na makilala ko si dating Pangulo Corazon Aquino. O baka naman hindi pa naman huli sapagkat sa mga natitirang segundo na ito ay maaari ko pang ibigay ang aking huling pagpupuri sa kanyang kakaibang karakter na naging simbolo ng Ina ng Demokrasya.

Mula man sa mga mayaman at prominenteng pamilya, si Ginang Aquino ay isang mapagkumbaba na tao. Ni hindi niya itinataas ang kanyang sarili kahit na siya ay naihalal na pangulo ng Pilipinas. Sa halip ay ibinukas niya sa madla ang palasyo ng Malacanang na dati’y hindi napupuntahan ng taumbayan dahil sa ito’y lugukan lamang ng mga matataas na tao. Mayaman man o dukha’y bukas siyang nakikipag-usap. Tapat siya sa paglilingkod at hindi kailanman inangkin ang anumang pagmamay-ari ng gobyerno, ni kendi na dating tinanong sa kanya ng kanyang apo. Ipinaramdam niya sa bayan ang pagkakapantay-pantay ng tao sa demokrasyang pamumuno na kaiba kay dating Pangulong Marcos.

Ang katangi-tangi rin kay Ginang Aquino ay ang kanyang tibay ng pananalig sa Diyos. Idinaan niya sa pananampalataya ang bawat gawain niya sa buhay, at lalo na ang pagpatalsik sa diktaturya ni dating Pangulong Marcos. Pinili niya ang di marahas na pakikidigma laban dito, kung saan ang mga Pilipino rin mismo ang nagsama-sama – ang People Power Revolution. Sa pag-aalay ng pagkain, bulaklak, at rosaryo sa mga sundalo ay lalong napabigkis ang pagkakaisa at iyon ay isa sa mga naging mahalagang paraan upang mapasuko ang administrasyong Marcos.

Saan niya nahuhugot ang kanyang lakas ay marahil sa dalawang mahalagang karakter niya na yaon na siyang naging kaakibat niya sa kanyang mga hinarap na responsibilidad na naiatang sa kanya. Ika nga nila, may dumapong kalapati sa kanyang balikat habang ipinagdiriwang ang kasal niya kay Ninoy; isang pahiwatig na balang-araw ay may sasapunin siyang responsibilidad na mas higit pa sa iba. At tila nagbiro nga ang kapalaran na siya pala ay may gaganaping mahalagang papel sa kasaysayan ng Pilipinas; ang maging simbolo ng Demokrasya. Handa man siya o hindi, buong kababaang loob niyang inako ang mahalagang posisyon na iyon at humingi ng patnubay sa Panginoon na siya’y gabayan sa tamang daan ng paglilingkod sa bayan.

Ngunit higit din sa lahat ay ang kanyang pagiging kakaibang Pilipina, sapagkat nakayanan niya ang mga problema’t pagsubok na humamon sa kanyang buhay. At nalampasan niya ang lahat na yaon dahil sa kanyang kakaibang katapangan; tapang at tibay ng loob na naging haligi niya’t sanggala sa anumang pangyayari. Hindi kailanman siya pinanghinaan ng puso sa panahon na maaga at bigla siyang iniwanan ni Ninoy; na siya na lamang ang mag-isang magtataguyod sa kanyang pamilya, at pati na rin sa ipinaglalaban niya na demokrasya’t kalayaan na ipinagkait ng Martial Law. At nang siya ang naupong pangulo, ay hindi siya naligalig sa mga humigit-kumulang sampung kudeta, mga kalimidad tulad ng makasaysayang lindol sa Baguio at pagputok ng Bulkang Pinatubo, mga walang katapusan na problema sa kahirapan at kakulangan ng mga Pilipino, atbp. At higit sa lahat ay ang kanyang pakikipagsapalaran sa pakikipaglaban sa kanser sa kolon na naging hudyat ng malapit na niyang pamamahinga at pamamaalam sa sambayanang Pilipino.

At ngayon nga’y mapayapa na siyang pumanaw kasama ang kanyang asawa na si Ninoy, nawa’y alalahanin natin ang kanyang naging mahalagang papel sa kasaysayan ng Pilipinas at mga naitulong sa sambayanang Pilipino at maibahagi’t maparamdam sa susunod na salinglahi ang lahat na ito upang maipagpatuloy ang ipinaglalaban na demokrasya at kalayaan.

Paalam at maraming salamat sa lahat, Ginang Aquino.

I think it’s a continuation of the short story I posted months ago: Tunay na Pagkakaibigan. My friend asked me to post her one-act play in my blog. She would really appreciate it if you read and comment in this post.

MGA TAUHAN:
Joan: Kaibigan at Kaklase ni Ichiro
Ichiro: Hindi mahilig magpa-ayos
Mga Nagpapa-ayos sa Salon
Tauhan sa Salon1
Tauhan sa Salon2

TAGPUAN: Sa loob ng isang mall

PANGYAYARI: Pumunta sina Ichiro at Joan sa isang mall para maghanap at bumili ng mga kagamitan para sa kanilang proyekto sa Arts. Habang sila ay naglalakad, napadaan sila sa isang magandang salon.
Joan: Tingnan mo, Ichiro. Maraming nagpapa-ayos sa salon na yan. Gusto mong subukan?

Ichiro:  (saglit na napatingin sa salon) Joan, nandito tayo ngayon para bumili ng mga gagamitin natin sa proyekto, hindi para magpa-salon.

Joan: Hindi ko naman nakakalimutan yun, eh. Atsaka, marami pa tayong oras para sa ating proyekto.

Ichiro: Ayaw mo bang matapos nang maaga para may oras pa tayo sa iba nating mga takdang aralin?

Joan: Yan ka nanaman. Puro na lang eskwelahan ang inaatupag mo. Alam mo bang kaya ka pinagtatawanan eh, dahil sa hindi ka laging nag-aayos? Pagdating mo sa silid-aralin, magulo pa ang buhok mo, at hindi pa naka-suot nang maayos ang iyong salamin sa pagmamadali.

Ichiro: Wala naman akong paki alam sa kanila. Basta ang mahalaga mataas ang nakukuha kong marka.

Joan: Ikaw wala, ako meron kasi kaibigan mo ako. Ayokong pinagtatawanan ka nila. Kahit na mataas pa ang makuha mong marka, hindi mababago ang tingin nila sayo.

Ichiro: (naisip ang mga sinabi ni Joan) Hmmm… Ayoko pa rin. Mahal kaya diyan sa Salon na yan. At puro babae lang ang nagpupunta sa isang salon.

Joan: (napatawa nang kaunti) Hindi, ah. Akala mo lang yun kasi babae ang madalas na nagpapa-ayos. Meron ding lalaki. At wag kang mag-alala, sasamahan naman kita, eh.

Ichiro: Kahit na samahan mo ako, babae ka kaya ok lang.

Joan: Hay naku. Ang dami mo pang palusot. Tara na nga. (hinila ni Joan si Ichiro papasok ng salon). Excuse me, pa-assist naman kami.

Tauhan sa salon1: ah, yes? Ano pong maipaglilingkod naming?

Ichiro: Ah, wala ho.

Joan: (pabulong na sinabi kay Ichiro) Anong wala ho? (humarap sa tauhan) Gusto po sana naming ayusan niyo itong kasama ko.

Tauhan sa salon1: sige ho. Dito po ang daan. (itinuro niya ang isang upuan at doon naupo si Ichiro habang si Joan naman ay nasa katabing upuan upang magpagupit din nang kauti)

Tauhan sa salon1: sandali lang ho. Tatawagin ko lang po ang mag-aayos.

Tauhan sa salon2: hello. Ako ang mag-aayos sa ngayon, boy. Ano bang pangalan mo?

Ichiro: Ichiro po.

Tauhan sa salon2: ay! Kay gandang pangalan. Kaya lang, bakit parang…

Joan: (humarap sa mag-aayos ka Ichiro) Gusto ko po sanang ayusan niyo ang aking boyfriend para maging gwapo siya sa aming date mamaya. (at ngumiti nang kaunti)

Tauhan sa salon2: ay! Boyfriend mo pala siya. Sorry.

Joan: Ayos lang po. Naiintindihan ko po. Pero sa tingin ko, pagkatapos niyo po siyang ayusan, mawawala ang inyong alinlangan. (at ngumiti kay Ichiro)

Tauhan sa salon2: ay, naku! Akong bahala sa boyfriend mo, girl!

Ichiro: (namula nang kaunti at hindi na nagsalita pa)

Joan: (tumayo na at pumunta sa mga may magazine upang magbasa habang naghihintay kay Ichiro)

Tauhan sa salon2: pasensya ka na kung medyo  matagal. Wag kang mag-alala Ichiro. Hindi ka na makikilala ng girlfriend mo sa sobrang gwapo mo.

Ichiro: ah, eh. Kayo pong bahala.

Tauhan sa salon2: (lumapit na kay Joan) Girl! Tama ka! Ang gwapo nga ng boyfriend mo! Tapos ko na siyang ayusan. Halika dito, bilis!

Joan: (ibinaba ang magazine na binabasa at sumunod sa tauhan)

Tauhan sa salon2: Eto na ang iyong boyfriend!

Ichiro: (humarap nang dahan-dahan kay Joan)

Joan: (napangiti nang kaunti habang nakaharap kay Ichiro)

Ichiro: Bakit ka natatawa? Hindi ba bagay? Ang kulit mo kasi, eh. Ayaw ko kasi magpa-ayos, eh.

Joan: (natulala nang ilang segundo) Ha… ah… Bagay nga sa’yo, eh.. Ang….Ang gwapo mo..

Ichiro: (biglang namula nang kaunti) Sa…salamat…
Joan: Kanino yang suot na salamin mo?

Tauhan sa salon2: Sa akin yan, girl. Pinasuot ko lang sa kanya nang saglit. Mas bagay kasi yan kaysa dun sa salamin niya. Di ba, girl?

Joan: O…opo. Bagay nga po. (at biglang ngumiti)

Tauhan sa salon2: Yan girl, ah. Gwapo na siya para sa date niyo mamaya. Nakakakilig naman!

Joan: (natawa bigla nang kaunti) Salamat po. (pumunta silang dalawa ni Ichiro sa cashier para magbayad) Magkano po ba?
Tauhan sa salon1: ah, P500 girl. Medyo marami kasing ginawa sa boyfriend mo, eh. Wag ka mag-alala, sulit naman ang bayad niyo, eh.

Ichiro: (Iniabot sa tauhan ang bayad. Namula naman muli nang kaunti habang naglalakad sila papalabas ng salon at bumulong kay Joan) Bakit mo kasi sinabi na magboyfriend tayo? Yan tuloy.

Joan: Ayos lang yun. Para hindi sila magduda katulad nun nangyari kanina. (bigla muling tumawa)

Ichiro: inaasar mo ba ako?!

Joan: Hindi na. Sorry na. (at ngumiti kay Ichiro) Tingnan mo. Gwapo ka naman pala kapag na-ayusan, eh. Dapat lagi ka nang mag-ayos ng sarili, ah.

Ichiro: Oo na, girlfriend lang kita ganyan ka na, ah.

Joan: Aba! Sineryoso mo naman. (biglang tumawa nang kaunti)

Ichiro: haha. Halika na nga. Marami pa tayong dapat bilhin.

Joan: Sige na nga. Hay. Ang “boyfriend” ko, ang gwapo. Tingnan mo nga, pinagtitinginan ka na.

Ichiro: Selos ka naman. (natawa nang kaunti) Wag ka mag-alala, ikaw lang ang nasa isip ko.

Joan: Salamat kung ganun. (nagtawanan muli ang dalawa at pumunta na sa bilihan ng mga gamit na gagamitin nila sa kanilang proyekto)